Tumblr Cursors

PreciousGem❤


Life’s a journey. This space is filled with my personal observations on the deeper search for meaning as I travel thoughts in my life. My name is Gem Florence Andaya, and these are my thoughts.

* La Sallian
*taking up Bachelor of Science in Secondary Education Major in English
*Future Educator

CJ ♥ LOGAN LERMAN


Photobucket


Photobucket



Photobucket



Photobucket



Photobucket



Photobucket



Photobucket



Photobucket


Theme by Go-Crazy.

gwapongred:

HARI NG KALSADA

Mas kilala sa tawag na Jeep/Jeepney. Sino nga bang Pinoy ang hindi pa nakakakita o nakakasakay man lang sa Jeep. Kulang ang pagka Pilipino mo kung di mo pa to nararanasan. Nagkalat sa bawat lansangan ng Pinas, may mabilis na takbo at minsa’y may malakas pang stereo, yan ang Jeep ni Juan Dela Cruz. Mapatao o produkto, pilit pagkakasyahin, at isisiksik hanggang dulo, talagang ONLY IN THE PHILIPPINES.

Kabiyak na ng buhay nating mga estudyante ang Jeep. Bat nga ba mag ta-tricycle ka kung pwede ka namang  magjeep? Mura na, pwede ka pang makakilala ng bagong ka tropa. Sa halagang 8:50, makakarating ka na sa ibang bayan, smooth na smooth ang byahe.

Pero syempre di mawawala ang unforgettable pasahero na makakabungguang-siko mo tuwing sasakay sa jeep, eto sila:

  1. Payphone. Mga pasaherong simula sumakay hanggang bumaba may kausap sa phone. Minsan akala mo baliw na salita ng salita. naka earphones pala. Okay naman kung tahimik lang pero yung tipong naintindihan mo na lahat ng pinag uusapan nila sa lakas ng boses. Conference tayo?
  2. You Da One. Mga pasaherong “Sila na” - Sila na matalino. Simula sumakay hanggang bumaba nag rereview. Lahat ng gamit nailabas na. Wow. Wala ka pa sa classroom. Kung masipag ka talaga bat di mo ginawa sa bahay? Nag tumblr ka no?
  3. Call Me Maybe. Sila yung mga nagkasabay lang sa jeep, lumalab layp na. PBB Teens nga e. Tapos bibigay kagad number. So call me maybe?
  4. Careless Whisper. Mga pasaherong ang sarap pababain ng jeep. Magbubulungan sa harap mo, ano yon, confidential lang talaga o sadyang ako pinag uusapan niyo? Bastusan. Sabay tawa pa. Galing ah.
  5. It’s raining men. Papaliguan ka, hindi lang ng dala nyang inumin, minsan pati laway nya kakadaldal. Samahan mo pa ng konting pawis o kaya naman lugaw na inilabas ng bitbit nyang anak. Wow. Sarap. 
  6. 1, 2 3, 4. Mga kriminal o sadyang matindi lang ang pangangailangan, 1,2,3 takbo ang trip. Bababa gn jeep ng hindi nagbabayad. O mas malulupit yung pagbaba sabay hablot sa gamit mo. Para-paraan din?
  7. Somebody That I Used To Know. Mga pasaherong hindi mo alam kung sino pero pamilyar ang pagmumukha. Di mo naman mabati baka kasi hindi sya un, pahiya ka pa. Sila rin yung mga pasaherong, kilala ka naman, ayaw ka lang pansinin. Baka daw kasi magpabayad ka pa ng pamasahe. lol
  8. More Than Words. Sila yung mga pasaherong, magkekwento na lang may demonstration pa. Andyang masiko o matanggi ka, wala lang pakielam, hala sige kwento. 
  9. Die In Your Arms. Mga pasaherong puyat. Lahat na ng paraan ginawa, makatulog lang. Ang masaklap, feeling close kasi sa saya pa talaga hihiga. Hala. Instant GF/BF?
  10. Party Rock Anthem. Sila yung wagas mag patugtog. Hindi nausuhan ng earphones. Sobrang lakas kala mo sya lang tao sa jeep. Feeling ata trip ng lahat yung mga kanta nya. DJ ka?
  11. No Air. No (fresh) Air. Isa sa pinakamahirap katabing pasahero. Di mo alam kung sadyang wala silang pang amoy o ano at hindi nila alam na pinapahirapan nila ang katabi nila. May galing sa bibig, sa kili-kili, sa paa, o kahit san man, na talagang hinding-hindi mo makakalimutan. No air talaga. Huminga ka na lang sa bibig. 
  12. Look At Me Now. Mga pasaherong mahirap kasabay. Uupo malapit sa driver tapos ayaw naman pa lang mag abot ng pamasahe. Aynako. Tititigan lang yung inaabot mo at bahala ka na kung paano mapupunta sa driver ang bayad mo. Titigan tayo?

Masarap sumakay sa jeep at mag byahe lalo na kung hindi mo makakasabay yang mga yan. Pero syempre kung ayaw mo nyan, magdala ka ng sarili mong sasakyan. Swertihan lang yan.

Ikaw, isa ka ba sa kanila? :)

(via momaychupikachu)


  1. lonelyhuman reblogged this from gwapongred
  2. princessmarjorie reblogged this from charikkirinaeza
  3. charikkirinaeza reblogged this from gwapongred
  4. thefingerstinger reblogged this from killjoynanilalang
  5. cessygambochi reblogged this from killjoynanilalang
  6. killjoynanilalang reblogged this from momaychupikachu
  7. gemheart reblogged this from momaychupikachu
  8. momaychupikachu reblogged this from gwapongred
  9. little-miss-cpa reblogged this from gwapongred
  10. gwapongred reblogged this from gwapongred and added:
    HARI NG KALSADA Mas kilala sa tawag na Jeep/Jeepney. Sino nga bang Pinoy ang hindi pa nakakakita o nakakasakay man lang...
  11. unterminated-beat reblogged this from gwapongred
  12. tcraz reblogged this from pinaydanayx3
  13. pinaydanayx3 reblogged this from gwapongred
  14. simplenglokoloko reblogged this from gwapongred and added:
    HARI NG KALSADA Mas kilala sa tawag na Jeep/Jeepney. Sino nga bang Pinoy ang hindi pa nakakakita o nakakasakay man lang...
  15. reynangkakulitan said: benta po yung eleven! NO FRESH AIR HAHAHAHA